Sunday, November 8, 2009

Simula

Panahon ng Maya nang isilang ang batang mandirigmang si chayd, ang kanyang layunin ay ang talunin ang bawat masasamang nilalang sa Kontinente ng Muren. Hindi ganoon kadali ang kanyang layunin lalo na at mahirap lamang siya at walang sapat na Zen para bumili ng sariling gamit pandigma. Sa kanyang pakikipagdigma sa Tarkan, may nakilala siyang isang napakagandang Fairy Elf. Naging kasama niya sa pakikipaglaban sa iba't-ibang bayan sa Muren hanggang sa sila ay nagkaibigan. Panahon ng Titan nang magsimulang nagpasukan ang mga mandirigma ng Lorencia at Noria sa kuta ni Kundun. Libo-libong mandirigma ang lumaban sa mga kawal niya at wala ni isa ang nagtagumpay para mapaslang ang napakalakas na halimaw. Halos nahati ang populasyon ng Muren sa panahon ng Titan dahilsa paulit-ulit na ginagawang pagsalakay ng mga Murenians kay Kundun. Ikasampung pagsalakay nang maisipang sumama ni chayd sa labing limang Blade Knight para tapusin ang Halimaw na si Kundun, kagaya ng inaasahan, napaslang lahat ang mga sumalakay at kasama na si chayd sa mga di nakabalik. Lumipas ang ilang buwan at malapit nang matapos ang panahon ng Titan, pinalaya ni Kundun ang isa sa kanyang pinakamalakas na kampon na si White Wizard at inutusang sunugin at sakupin ang tatlong Bayan na may pinakamaraming populasyon sa Kontinente ng Muren, ito ay ang Noria, Lorencia at Devias.

Sa loob ng isang abandonadong simbahan sa Devias, kung saan nagtatago ang ilang Blade Knight at mga Fairy Elf sa salot na White Wizard, isang Fairy Elf ang nagsilang ng isang sanggol. Dahil sa iyak ng sanggol, natunton ni White Wizard ang kinaroroonan ng mga nagtatagong Murenians. Nagkanya-kanyang takas ang bawat isa maliban lamang sa kapapanganak na sanggol at ang kanyang ina. Unang pinaslang ni White Wizard ang ina sa pamamagitan ng isang Kidlat at isusunod na sana ang sanggol nang may dumating na isang mandirigmang nakakasilaw ang pakpak at mabilis na kinuha ang sanggol. "Sino ka!" Tanong ni White Wizard. Hindi sumagot ang mandirigma. Hawak sa kaliwang kamay ang sanggol, sa kanan naman ay ang kumikinang na espadang gawa sa diyamante. Patakbong siyang lumusob kay White Wizard at inihanda naman ni White Wizard ang sarili, nang malapit na ito bigla siyang tumalon pataas na sobrang bilis ay tumilapon ang sampung Orcs na nakapaligid kay White Wizard. Hindi na bumaba ang mandirigma, habang si White Wizard naman ay nananatiling nakatayo at halos di makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi na rin muling tumayo ang mga tumilapon na Orcs dahil ang bawat isa sa kanila ay may butas sa katawan. Ilang segundo pa ay tumulo na sa katawan ni White Wizard ang dugo gawa ng sugat na natamo mula sa talim ng hangin na ginawa ng mahiwagang mandirigma. Sadyang binuhay niya si White Wizard upang may magpatunay kay Kundun na may mga mandirigma pa ring dapat katakutan.Dahil sa ginawa ng mahiwagang mandirigma lumakas ang loob ng ibang mandirigma at nilabanan nila ang mga natitirang Orcs na gumagala sa paligid hanggang sa tuluyan na nila itong natalo. Dahil na rin sa natamong sugat ni White Wizard napilitan siyang umatras at bumalik sa Kuta ni Kundun. Muling bumalik ang kapayapaan sa Kontinente ng Muren.

Panahon ng Tahr, Labing Dalawa't Pitong taon ng payapa ang Kontinente ng Muren. May
kumakalat na balita na may grupo ng mga ibon ang sasalakay sa Lorencia, at ayon sa
balita ang mga ibon na ito ay sinlakas o mas malakas pa sa mga Orcs na kampon ni White Wizard. Hindi ito pinansin ng mga mamamayan ng Lorencia, hindi pinaghandaan ng mga mandirigma. Hanggang sa sumigaw ang isang bantay na "Nariyan na sila!!!"

Basahin ang kasunod ng kwentong ito: Dark Raven at ang mahinang Dark Lord

0 comments: