Thursday, November 19, 2009

MU Philippines is very much alive part 2!

Ang hirap maghanap ng mobius card dito sa pampanga, buti na lang at may nakita akong nagloload central. Nung una nakakita na ako pero tamad yata, nageerror daw kapag bumibili ako ng epoints. Pero this time may nakita akong nagloload central sa Fields ave., isang internet cafe na may mga games din. GUess what? out of 12 Computers sa shop na yon 5 PC ay naglalaro ng MU Philippines (Paano ko nalaman na Philippines nga?) madali lang, tinanong ko eh. "Nanung server yan brads? private?" (Anong server yan brads? Private?) sagot nila "Ayda private! ali, tahr ini, tutung MU". "Puta Private! Hindi, Tahr ito, Totoong MU."

Observations:
1. Dumarami na ang mga manlalaro ng MU Philippines, dati bihira na akong makakita ng mga grupo ng manlalaro sa isang shop, ngayon buhay na buhay na!

2. Mababa ang tingin sa mga Private Server, sa kapampangan kapag sinabi nilang AYDA or DAH, isang expression iyon na parang sa una palang ay sinasabi na ang tinatanong mo o sinasabi mo ay isang kahibangan o kalokohan. Although ang AYDA o DAH ay pinaiksi sa PUTANAYDANA sa tagalog ay p*tang ina, ginagamit pa rin ng mga kapampangan ang AYDA o DAH bilang expression sa isang kalokohan o kahibangang bagay, so AYDA PRIVATE means isang kalokohan o kahibangan.

3. ... Tahr ito, TOTOONG MU. - medyo nakakatawa pero totoo ang sinabi nila. Parang ang mga private server ay kunwaring MU lang dahil di mo alam kung kailan mawawala at wala kang karapatan sa account mo kung idedelete nila ng walang dahilan. At sa tanging TOTOONG MU lamang (wika nga nila) ka may KARAPATAN sa iyong account! At sa dating ng salita nila ay parang napakababang uri ng mga Private Servers kumpara sa MU PHILIPPINES.

So after ng maliit na pakikipag-usap sa mga Mutizen na kagaya ko, bumili ako ng 800 epoints sa shop na iyon through Load Central (uy teka may promo pala ang LOAD CENTRAL sa MU philippines CHECK THIS OUT for more details)



By the way sa mga kapampangan dito na taga ANGELES at walang makitang load, pumunta lang kayo sa NETOPIA sa SM Clark (wala lang daw laman kahapon - Nov 19), then nakita ko nga ang shop na nag LOLOAD CENTRAL din. Location niya is sa harap ng MR. JJ Supermarket sa Balibago, Fields Ave., Yung mga stall doon. Kung magsisimula kang magbilang ng stall from left to right mga pang 6 stall siguro ang shop na iyon. Basta yung ikalawang Internet Cafe na makikita, Huwag yung una.

0 comments: