Saturday, November 28, 2009

Zen Master Guide

Zen Master Guide by: chayd
The Scroll and Bone Collector

Ok, it doesn't matter kung anong level ka, laging makikita ang mga nakakasawang Scroll of Archangel at Blood Bones. Hindi mo kailangan kaya ignore lang dahil sa tingin mo mga basura lang ang mga ito dahil hindi mo nga kailangan. Sinubukan kong pumatay ng 10 Mobs at inobserve kung gaano kadalas mahulog ang mga scrolls at bones. Out of 10 mobs 3x akong nakakuha ng Scroll at isang Blood Bone. Inulit ko ulit ang proseso, pumatay ng 10 Mobs at binilang ang mapupulot na scroll o bone, this time 2 scrolls at 2 bones, Ibig sabihin nito mabilis talaga ang drops ng mga ito. Isa sila sa mga susi para mabilis dumami ang iyong mga Zen at Bless. Sa ngayon may makikita kang mga Player na nagbebenta ng Bless sa halagang 15M Zen. Katumbas ng halos 57 na Scroll of Archangel o Blood Bone na +6, o 45 Scrolls/Bones sa +7.

Kaya kung wala kang Zen, ang pinakamadaling paraan ay tumakbo ka ng tumakbo sa mga lugar kung saan madalas may naka spot at makiusap ka sa iyo na lang ang mga natatapong Scrolls or Blood Bones. Sa tarkan marami ang mga pakalat kalat na di pinapansing Scroll/Bones. Kaya mas magandang doon maghanap, +6 o +7 ang mga mapupulot sa tarkan/tarkan2.

Example ng maaring makuhang Zen:
20x+6Scrolls/Bones = 5,331,000
20x+7Scrolls/Bones = 6,666,000

Prices of Blood Bones and Scroll of Archangel

Thursday, November 19, 2009

MU Philippines is very much alive part 2!

Ang hirap maghanap ng mobius card dito sa pampanga, buti na lang at may nakita akong nagloload central. Nung una nakakita na ako pero tamad yata, nageerror daw kapag bumibili ako ng epoints. Pero this time may nakita akong nagloload central sa Fields ave., isang internet cafe na may mga games din. GUess what? out of 12 Computers sa shop na yon 5 PC ay naglalaro ng MU Philippines (Paano ko nalaman na Philippines nga?) madali lang, tinanong ko eh. "Nanung server yan brads? private?" (Anong server yan brads? Private?) sagot nila "Ayda private! ali, tahr ini, tutung MU". "Puta Private! Hindi, Tahr ito, Totoong MU."

Observations:
1. Dumarami na ang mga manlalaro ng MU Philippines, dati bihira na akong makakita ng mga grupo ng manlalaro sa isang shop, ngayon buhay na buhay na!

2. Mababa ang tingin sa mga Private Server, sa kapampangan kapag sinabi nilang AYDA or DAH, isang expression iyon na parang sa una palang ay sinasabi na ang tinatanong mo o sinasabi mo ay isang kahibangan o kalokohan. Although ang AYDA o DAH ay pinaiksi sa PUTANAYDANA sa tagalog ay p*tang ina, ginagamit pa rin ng mga kapampangan ang AYDA o DAH bilang expression sa isang kalokohan o kahibangang bagay, so AYDA PRIVATE means isang kalokohan o kahibangan.

3. ... Tahr ito, TOTOONG MU. - medyo nakakatawa pero totoo ang sinabi nila. Parang ang mga private server ay kunwaring MU lang dahil di mo alam kung kailan mawawala at wala kang karapatan sa account mo kung idedelete nila ng walang dahilan. At sa tanging TOTOONG MU lamang (wika nga nila) ka may KARAPATAN sa iyong account! At sa dating ng salita nila ay parang napakababang uri ng mga Private Servers kumpara sa MU PHILIPPINES.

So after ng maliit na pakikipag-usap sa mga Mutizen na kagaya ko, bumili ako ng 800 epoints sa shop na iyon through Load Central (uy teka may promo pala ang LOAD CENTRAL sa MU philippines CHECK THIS OUT for more details)



By the way sa mga kapampangan dito na taga ANGELES at walang makitang load, pumunta lang kayo sa NETOPIA sa SM Clark (wala lang daw laman kahapon - Nov 19), then nakita ko nga ang shop na nag LOLOAD CENTRAL din. Location niya is sa harap ng MR. JJ Supermarket sa Balibago, Fields Ave., Yung mga stall doon. Kung magsisimula kang magbilang ng stall from left to right mga pang 6 stall siguro ang shop na iyon. Basta yung ikalawang Internet Cafe na makikita, Huwag yung una.

Monday, November 16, 2009

Mu Philippines is very much alive!

Who said that MU Philippines is Dead?
Ang dami nga nilang mga Event ngayon, isa sa mga even na ito ay ang MU Mercial:



Sa katunayan nga eh sumali ako at ang kapatid ko.
Check my entry:
http://www.youtube.com/watch?v=ACfx5n-Nzrc

Wednesday, November 11, 2009

Dark Raven at ang mahinang Dark Lord

Basahin ang simula ng Kwentong ito: Simula

Huli na ang lahat. Walang nagawa ang mga taga Lorencia kundi tumakbo, magtago at mawalan ng buhay. May ilang mga Blade Knight ang lumaban ngunit di rin sila nagtagumpay. Sigawan at iyak ang tanging maririnig. Bata man o matanda ay walang pinalampas ang mga ibong sumasalakay. Lahat ng mga ibon ay sumalakay maliban lamang sa isa. Nanatili siyang nakatitig sa mga kasamahang ibon habang pinapaslang ang mga walang labang mamamayan ng Lorencia. Mukhang makapangyarihan at matalino ang ibong ito. May 180,000 na populasyon ang buong Lorencia at napapaslang na ang halos kalahati ng populasyon at patuloy pa itong dumadami dahil sa patuloy na pagsalakay ng mga ibon. Takot at kawalan ng pagasa ang makikita sa mga Lorencians. Lumipad pataas ang mga ibon at inihanda ang panghuling pangsalakay nila. Isang minuto pa at sabay-sabay na silang bumaba upang isagawa ang panghuling atake. Isang daang metro ang layo mula sa lupa nang biglang nagliparan ang libo-libong palaso, kasabay nito ang pagbagsak din ng libo-libong mga mapaminsalang ibon ng walang buhay. Isang Ipo ipo ang sumunod pagkatapos ng mga palaso. Nahati ang populasyong ng mga ibong umaatake. Ang mga natirang ibon ay nag-iba ang direksiyon ng kanilang pagsalakay. Isang ibon ang nagsalita ng
malakas "Sa Silangan tayo! tapusin silang lahat!". Sampung libong mga Fairy Elf ang
nakapormasyong pandigma na may hawak ng iba't-ibang klase ng Pana. Nakahandang bitawan
ang palaso anumang oras, naghihintay na makalapit ng husto ang mga ibon. Napansin ng
mga ibon na ang mga Fairy Elf ay nakapostura kaya naman inuutos ng isa sa mga pinuno ng ibon na "Maghiwa-hiwalay tayo, ang iba ay sa Hilaga at ang iba sumunod sa akin sa Timog." at nagkahiwa-hiwalay nga ang mga ibon na siya namang paglabas ng mga nakatagong Soul Master sa Timog at Hilaga. Tinawag ng mga Soul Master sa Timog ang mga masasamang espiritu(Evil Spirits) upang sila na ang tumapos sa mga mapaminsalang ibon. Sa Hilaga naman ay gumamit ang mga Soul Master ng Nova para mapadali ang katapusan ng mga kalabang ibon.

Nananatili pa rin sa kinalalagyan ang isang tahimik na ibon na siya namang napansin ng isang nakaligtas na Blade Knight. Inihagis ng Blade Knight ang kanyang espada sa ibong nananahimik ngunit madali itong napansin kaya naman madali rin siyang nakalipad. Lumipad papuntang kanluran at tuluyan ng iniwan ang mga nasasawing kasamahang ibon. Sa kanyang paglipad napansin niyang may isang tao ang napapaligiran ng mga Higante habang nagtatawanan ang mga ito. Kitang kita niya kung papaano siya saktan ng mga Higante kaya naman hindi niya ito natiis at bumaba at isa-isang pinaslang ang mga Higante sa loob lamang ng limang segundo. Dumapo ang ibon sa isang Higante at kinain ang kanyang mga mata. "Salamat sayo!" Sabi ng taong nailigtas niya. Nanatiling kumakain ang ibon at hindi man lang pinansin ang sinabi ng kanyang nailigtas. "Aalis na ako! Salamat ulit. Ako nga pala si Josiah! Paalam na sayo!". Tumalikod sa ibon at nagsimulang maglakad papalayo. Lumipad muli ang ibon papunta kay Josiah at sinabing "Isa kang Dark Lord hindi ba?", nanlaki ang mga mata ni Josiah at sumagot ng "Nakakapagsalita ka?" sumagot naman ang ibon "Kanina kinakausap mo ako, ngayong ako ang nagsalita nagtataka ka na nakakapagsalita ako?. "

MU Philippines National Guild War Challenge



Tournament Details:

Maximum number of registered Guilds per region:

Luzon: 4
Visayas: 4
Mindanao: 4

Tournament Format:

Regionals: Single Elimination

1. Single match only
2. Team A vs Team B and Team C vs Team D
3. Winner of A vs B and C vs D will contend for the Regional Championship


Nationals: Round-robin System

1. All teams will be go up against each team once in a best-of-3 match
2. In case of a tie where all Teams have 1 win and 1 lose, the average margin of victory for each Team's victory will be the tie-breaker.



Guild Event Type: Guild War

Click here for Guild War Mechanics

Details:

1. A Guild War Event will be conducted in Luzon, Visayas and Mindanao with the cooperation of Netopia Cafes.
2. Participating guilds will compete with the other guilds for the Regional Championship.
3. The winners of each Regional Championship will compete for the National Championship.



Mechanics:

1. This is a TARH server event only.
2. Only up to 4 guilds will be registered for each region of Luzon, Visayas and Mindanao.
3. Interested guilds need to sign up below when forum registration is opened.
1. No dummy guilds will be entered.
2. Guild to be registered needs to be existing
3. Guild to be registered needs to have at least 20 members of at least level 350
4. This is a first-come-first-served registration and only the first 4 registered guilds for each region will be recognized. When all guilds entrees have met forum registration requirements, forum registration will be closed.
5. After all 4 guilds are set for Luzon, Visayas and Mindanao, ALL participating guild members need to register and pay the tournament fee at one of the following Netopia branches below to register their CHARACTER NAME and GUILD.
6. List of registered guild member participants is FINAL. Participating member lists cannot be modified during the event period.
7. Registered guilds MUST play from the region they registered for. For example if Guild A is registered as a Mindanao participant, the guild and its member must play from the Mindanao region. Failure to comply will mean disqualification from the event. Players are encouraged to play at the Netopia branches listed below.



Tournament Registration at Netopia:

* Netopia branch registration is a Pre-paid Game Card of free 8 hours worth PHP 120.
* A special PHP 15 per hour rate will be extended to all MU Online Philippines players from November 14 to January 31, 2010 in the Netopia branches below.



Opening of Forum Registration: 3:00PM November 11, 2009
Netopia Tournament Registration: after forum registration has been closed
Regional Event: 3PM to 5PM, November 21, 2009

National Event: 3PM to 5PM, November 28, 2009


Prizes

Regional Champion

1 Non-Season 4 380 Weapons of Choice (+0 +Skill)
3 Complete Ancient Item Set Choice of Hyon, Anubis, Gywen or Gaion (+0 +5 Stat)
300 Jewels of Soul + 300 Jewels of Bless
50 Boxes of Kundun +5

Regional Runner-up

3 Complete Ancient Item Set Choice of Hyon, Anubis, Gywen or Gaion (+0 +5 Stat)
150 Jewels of Soul + 150 Jewels of Bless
30 Boxes of Kundun +5


National Champion

1 Bone Blade (+0 +Skill +Luck)
1 Sylph Wind Bow (+0 +Skill +Luck)
1 Grand Viper Staff ((+0 +Skill +Luck)
1 Blade of Explosion (+0 +Skill +Luck)
1 Soleil Scepter (+0 +Skill +Luck)
3 Complete Non-Season 4 Set Items of Choice (+0 +Luck +10)
600 Jewels of Soul + 600 Jewels of Bless + 20 Jewels of Creation + 10 Jewels of Harmony

Prizes will be inserted within a week of the conclusion of the event.

Sunday, November 8, 2009

Simula

Panahon ng Maya nang isilang ang batang mandirigmang si chayd, ang kanyang layunin ay ang talunin ang bawat masasamang nilalang sa Kontinente ng Muren. Hindi ganoon kadali ang kanyang layunin lalo na at mahirap lamang siya at walang sapat na Zen para bumili ng sariling gamit pandigma. Sa kanyang pakikipagdigma sa Tarkan, may nakilala siyang isang napakagandang Fairy Elf. Naging kasama niya sa pakikipaglaban sa iba't-ibang bayan sa Muren hanggang sa sila ay nagkaibigan. Panahon ng Titan nang magsimulang nagpasukan ang mga mandirigma ng Lorencia at Noria sa kuta ni Kundun. Libo-libong mandirigma ang lumaban sa mga kawal niya at wala ni isa ang nagtagumpay para mapaslang ang napakalakas na halimaw. Halos nahati ang populasyon ng Muren sa panahon ng Titan dahilsa paulit-ulit na ginagawang pagsalakay ng mga Murenians kay Kundun. Ikasampung pagsalakay nang maisipang sumama ni chayd sa labing limang Blade Knight para tapusin ang Halimaw na si Kundun, kagaya ng inaasahan, napaslang lahat ang mga sumalakay at kasama na si chayd sa mga di nakabalik. Lumipas ang ilang buwan at malapit nang matapos ang panahon ng Titan, pinalaya ni Kundun ang isa sa kanyang pinakamalakas na kampon na si White Wizard at inutusang sunugin at sakupin ang tatlong Bayan na may pinakamaraming populasyon sa Kontinente ng Muren, ito ay ang Noria, Lorencia at Devias.

Sa loob ng isang abandonadong simbahan sa Devias, kung saan nagtatago ang ilang Blade Knight at mga Fairy Elf sa salot na White Wizard, isang Fairy Elf ang nagsilang ng isang sanggol. Dahil sa iyak ng sanggol, natunton ni White Wizard ang kinaroroonan ng mga nagtatagong Murenians. Nagkanya-kanyang takas ang bawat isa maliban lamang sa kapapanganak na sanggol at ang kanyang ina. Unang pinaslang ni White Wizard ang ina sa pamamagitan ng isang Kidlat at isusunod na sana ang sanggol nang may dumating na isang mandirigmang nakakasilaw ang pakpak at mabilis na kinuha ang sanggol. "Sino ka!" Tanong ni White Wizard. Hindi sumagot ang mandirigma. Hawak sa kaliwang kamay ang sanggol, sa kanan naman ay ang kumikinang na espadang gawa sa diyamante. Patakbong siyang lumusob kay White Wizard at inihanda naman ni White Wizard ang sarili, nang malapit na ito bigla siyang tumalon pataas na sobrang bilis ay tumilapon ang sampung Orcs na nakapaligid kay White Wizard. Hindi na bumaba ang mandirigma, habang si White Wizard naman ay nananatiling nakatayo at halos di makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi na rin muling tumayo ang mga tumilapon na Orcs dahil ang bawat isa sa kanila ay may butas sa katawan. Ilang segundo pa ay tumulo na sa katawan ni White Wizard ang dugo gawa ng sugat na natamo mula sa talim ng hangin na ginawa ng mahiwagang mandirigma. Sadyang binuhay niya si White Wizard upang may magpatunay kay Kundun na may mga mandirigma pa ring dapat katakutan.Dahil sa ginawa ng mahiwagang mandirigma lumakas ang loob ng ibang mandirigma at nilabanan nila ang mga natitirang Orcs na gumagala sa paligid hanggang sa tuluyan na nila itong natalo. Dahil na rin sa natamong sugat ni White Wizard napilitan siyang umatras at bumalik sa Kuta ni Kundun. Muling bumalik ang kapayapaan sa Kontinente ng Muren.

Panahon ng Tahr, Labing Dalawa't Pitong taon ng payapa ang Kontinente ng Muren. May
kumakalat na balita na may grupo ng mga ibon ang sasalakay sa Lorencia, at ayon sa
balita ang mga ibon na ito ay sinlakas o mas malakas pa sa mga Orcs na kampon ni White Wizard. Hindi ito pinansin ng mga mamamayan ng Lorencia, hindi pinaghandaan ng mga mandirigma. Hanggang sa sumigaw ang isang bantay na "Nariyan na sila!!!"

Basahin ang kasunod ng kwentong ito: Dark Raven at ang mahinang Dark Lord

Friday, November 6, 2009

The New Beginning

Well, My name is Richard A.K.A. chayd. A mobius forum addict, dakilang tambay ng TAVERN. Nagsimula akong naglaro ng MU noong panahon na wala pa akong trabaho, mas mahirap kung iisipin dahil wala akong sariling PC noon at nagnanakaw lang ng pangload sa wallet ng Girlfriend ko at sa benta ni nanay sa maliit naming tindahan. Di ko na maalala kung anong taon iyon pero panahon pa iyon ng BAHR, MAYA at WIGLE. Sadyang napakahirap ng buhay MU nang mga panahon na iyon, level 50 ka lang ang saya saya na, may maliit na grupo at mga kaparty na lagi mong inaabangan tuwing mag-oonline ka. Nagkaroon ng guild sa pamumuno ni Anuthorien na naging online Girlfriend ko pa. Kasama sa guild ang mga naging kaibigan na nakilala ko lang sa DUNGEON 3 na sina, nokie, SNAZZY, KING, lord_king, alzac at yung iba di ko na maalala. Pero alam ko na sila ay magkakasama sa isang shop sa Mindanao. Kasama ko namang naglalaro dito ay sa kabilang server sila, sa Wigle. Tanging si Shinjih(IGN) ang kasama ko sa MAYA. Lumipas ang panahon at sadyang napakahirap magpalevel at ang hirap magkagamit, nawalan na ako ng ganang maglaro. Matagal tagal din akong tumigil at iniwan ang character kong si chayd. Nawala ang Maya at dumating ang TITAN, muli akong naglaro at muli ring tumigil. Minsan nilalog in ng pinsan o pamangkin ng kaibigan kong si Jaypee (morgen) ang account ko kaya naman nakapagsurvive si chayd at buhay hanggang sa dumating ang TAHR server. Madalas ako sa forum ng mobius kahit di na ako naglalaro, buhat ng nagkatrabaho ako, mas nauuna ko pang binubuksan ang mobius forum kaysa sa mga email na dapat kong i-check para sa aming kumpanya. Isang napakagandang balita ang napansin ko sa site ng mobius, ito ay ang SEASON 4. Muling nagising ang dugong dumadaloy kay chayd at parang tinatawagan niya ako para gamitin siyang muli sa SEASON 4. Pinakinggan ko ang kanyang tawag, ngunit dahil sa siya ay isang mahinang character na at panis na panis na kumpara sa mga character ngayon, naisipan kong gumawa ng bagong character at pinangalanan ko itong Josiah isang DARK LORD. Sa blog na ito makikita at mababasa ang kanyang paglalakbay at pagsusumikap na maging isang LORD EMPEROR.

MU Online Season 4 is here

The Seal is Broken

Because of one man's pride, the great Evil that was once locked away is once again free. The warlord Antonias, blinded by the poisonous words of Lemuria, sought to possess Kundun's dark power, but instead was possessed by the very spirit that he sought to conquer.

Only the power of the missing Secronomicon, the mighty spell book of Entramu Renos once Kundun's friend and comrade, can seal the dark power once again.

A time of great change and conflict is approaching. Lands once lost have been rediscovered reopened. A people thought to have withdrawn from the world, have reemerged.

In the cold lands of Devias, a gate is discovered to La Cleon, the place where the components of the Secronomicon were discovered. Perhaps, this is where the book can be found.

In the far seas, a mysterious island untouched by civilization is discovered. Thought of as tranquil, the Swamp of Peace is violent and thirsty for blood.

The lost people of Elbe have awakened to combat the new threat. Bringing their curse and summon magic, they still remember the destruction of their old home of Elbeland. Near the Fortress of Crywolf, Balgass has bolstered his ranks and is again making a renewed attempt breaking into the once civilized lands.

Where are the heroes of old? Who are left to fight this ancient war?

Join in the fight for MU Continent in Season 4.

Choose to play in one of the three servers:

Tarh
The premium subscription server of old time players, join this hardcore community and learn from the game's oldest players.

Muren
This is the server of choice for testing builds.

Rance
The youngest server with no subscription fee, experience the same action free.

-- http://mu.mobiusgames.net/go/season4.php --